Wednesday, January 29, 2014

This my Whole Family

My Family Segundino





Having someone to go is HOME....
Having someone to love is FAMILY..
Having Both is a Blessings....



Every family has a story that it tells itself, that it passes on to the children and grandchildren. The story grows over the years, mutates, some parts are sharpened, others dropped, and there is often debate about what really happened. But even with these different sides of the same story, there is still agreement that this is the family story. And in the absence of other narratives, it becomes the flagpole that the family hangs its identity from.


**Family is what you have, whether you are successful or not. Wealth emerges and disappears, but family gets bigger every year.

Sunday, January 26, 2014

Myself



Myself






Ako si Princess S. Aniero, 17 years old. Graduating student ng BPSU (Bataan Peninsula State University). Ang kurso na kinukuha ko ay ACT (Associate in Computer Technology). Next year na gagraduate, sana makapasa. Hehe.. Nakatira ko sa Baruya Lubao Pampanga. Panganay na anak nila Reynaldo B. Aniero at Josephine S. Aniero.


Nung bata ko pinangarap ko maging isang guro. Kapag naglalaro kami, bibili kami ng chalk tapos ako yung titser “wanna be” na nagtuturo sa mga pinsan ko. Kung hindi naman ako yung titser , yung tita ko 2 years agwat nya sa amin. Pero habang tumatanda ako, unti-unti nalalaman ko ang mga obligasyon ng isang guro. Nakita at nalaman ko din ang kakayahan ko na hindi pala pang guro o guro ang gusto/nararapat sa akin. Maliban sa pagiging isang guro, pinangarap ko din noon maging isang stewardess. Dahil di ba nakakapunta ka sa iba’t ibang lugar non? Kaso kinapos sa height at syempre walang pera pampa-aral sa ganoong pangarap.


ACT ang pinili kong course kesa Educational.Educational kasi gusto ng mama ko para sa akin pero ako naman kasi alam kong yung skills ko hindi para dun. Sa totoo lang, nung nag-eenroll ako hindi ko talaga alam kung anong gusto kong kuhanin kaya pinili ko nalang ACT, near to Computer Secretary. Gusto ko din non eh.. Hehehe.. ganyan ako kagulo sobrang dami ng gusto. Mahilig din kasi ako mangalikot sa mga computer at gusto ko din naman na madagdagan yung nalalaman ko about computers. Sa kursong ito, kung tatanungin mo ko kung kumusta ba? Haha…Ok naman, marami-rami na din ang nalalaman ko, pero hindi lahat alam ko. Kunti lannng… ?


Ako yung tipo ng tao na mahiyain sa harap ng madaming tao. Yung tipong mamumutla ka talaga sa kaba at manginginig mga tuhod mo na para bang bagong tao sila sayo. Kahit na nakakasama muna sila at kilalang kilala kana ng mga classmate mo na nandun pa din yung kabang baka mapahiya ka. Pero habang tumatagal pinag-aaralan ko na din maging CONFIDENT sa harap ng madaming tao. Pero ganun talaga diba pag sobrang saya ka. Di mo na maiisip mga ibang tao. Lalo na pagkasama mo pa mga kaibigan mo.


Speaking of “KAIBIGAN”. Aha! Ayan, I have a lot of Friends but some of them not totally friends. Kasi diba may kaibigan ka na kilala mo lang sa pangalan but not that too close tulad ng nasasabihan ng mga problems at secrets. When I was in Elementary, I have 2 group of friends. Yung isa, isang malaking grupo, kasama mga pinsan ko dun sila yung grupo na kapag may kaaway yung isa, sugod lahat ng miyembro. And yung isang grupo naman, sila yung mga kasama ko na nag-aabang sa mga crush naming noon para lang makita sila. Haha.. Pero yung grupo nay un nawala na nagkahiwa-hiwalay. Hindi kasi ganun katatag eh!


Nung High school naman ako, ang matatag kong kaibigan na hanggang ngayon si Diane marie Sabornido. Haha.. Call sign namin “SIS” para kasi kaming magkapatid. Nagkakilala kami nung 2nd year . At hinding hindi ko makakalimutan nung napasama ko sa kanilang tatlo, sya, si carly, at si Farrah. Top 3 ako sa klase ng 2nd rd grading nag-top 10 nalang ako dahil sa mga kalokohan na naadopt ko sakanila maging nung 3rd year . aha!Bumaba din ako sa klase. Medyo nagging loko kasi ako. Nung highskul ako, bahay at skwelahan lang ako. Hindi ako lumilibot saan-saan never di ako nag-aattend nun ng mga student party. Pero rosarians night, I attended once. Grabe, dahil sa panay dasal noon sa skul. Sobrang banal na kami. Kaya nga tinong-tino ako nun madalang sa kalokohan. Ang madalass pa ako yung naloloko dahil noon para kong batang walang kamuwang-muwang sa mundo.


Nung nagcollege naman ako, ayan na! Para kong hayop na nakawala sa kulungan. Dito ako natuto uminom , maging lakwatsera feeling busy etc. Para bang nagging wild ako. Pero syempre nandito pa din naman yung ugali kong conservative. May naging grupo ako dito. Nabuo nung February 13, 2013. Pero dahil nagkahiwa-hiwalay kami ng section nung second year na kami, naging magulo na ‘gang sa dumating sa punto na nagkawatak-watak na. Sa grupong ‘yon dunko natutunan panu maging ako talaga. Yung ilalabas ba yung totoong ako. Naransan din ng mga dating g-girls ko yung pagiging ma-PRIDE ko. Peron g dahil din sa kanila nawala din yun at dahil din sa BF ko. Mapag-pasensya ko, oo, pero hindi ganoon kadalas. Sabi din nila ng mga dating ka G-Girls ko na maarti daw ako. Hahaha.. “Totoo naman yata.” ? kasi kapag hinihiram nila yung panyo ko pinagmamaselan ko madalang lang ako maging mapagbigay. Hehehe.


Yan ang relationship ko sa mga CLASSMATE-FRIENDS ko! Haha..


Pagweekend, walang pasok sa bahay lang ako. Di ako lumalabas ng bahay , kaya naman wala ako ganun karami kakilala sa mga taga-samin. Lumalabas lang ako pagpapasok, pag-gabi pupunta ng tindahan para magpaload. Lilibot lang pag may okasyon. Sa bahay, ang Gawain ko lagi, linis, kain, tulog text. Kapag maiinip, kailangan ng kausap pupunta ko sa bahay ng pinsan ko. My bestfriend and my sister.. 3-in-1 sya. Madalang lang yan.


My boyfriend ako, but hindi kami legal. Kasi ayaw ng parents ko sakanya. Pero sa family nya legal kami. Minsan nakakaramdam din ako ng konsensya kapag tatanungin ako ng mama ko kung kami pa ba. I once told her na kasi sa kanya noon na kami but she get mad at me. Hindi kami nag-uusap for almost 1 month. I know I’m too young for this called “LOVE” but I just can’t let him go. I really love this boy. And I love too my Mother.


Anyway, those people above describe me as, MABAIT, MAPAGPASENSYA, MAY TAKOT SA DYOS, MAARTI, MAPRIDE, CONSERVATIVE, SENSITIVE, MASUNURIN MAHIYAIN, INIISIP MUNA ANG ISANG BAGAY KUNG TAMA BA O MALI ANG GAGAWIN KO. But, that depend to the person of how he thought I am. Maybe some of them hate me for being who I am , but I don’t care. I just care to the people who knows me in my best. I may look stupid at this attitude but who cares this is me. I’m just being real. This is better than being plastic, right? ?